Halos 1K kandidato mag- aagawan sa iba’t- ibang posisyon sa BSKE sa bayan ng Paracale

CAMARINES NORTE – Umaabot sa 999 na mga kandidato ang mag- aagawan sa iba’t- ibang posisyon sa Barangay at Sangguniang Kabtaan Elections sa bayan ng Paracale, Camarines Norte.

Sa datos ng Commission on Elections pagkatapos ng filing period ng Certificate of Candidacy 64 ang kakandidato sa Punong Barangay position, 543 sa Barangay Kagawad, 58 sa SK Chairperson at  334 sa SK Kagawad.

Mas marami pa rin ang mga kalalakihang kakandidato sa iba’t- ibang posisyon kumpara sa mga kababaihan.

Ang Paracale ay mayroong 27 Barangays 241 established precincts at 116 clustered precincts.

Kabilang   ito sa top five vote- rich municipalities sa lalawigan na mayroong 52, 471 total registered voters para Barangay at SK.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *