Halos 200 bahay sinira ng buhawi sa Norala, SoCot

KORONADAL CITY- Mahigit 200 bahay ang sinira ng buhawi sa Norala, South Cotabato kasabay ng pagbuhos ng ulan Sabado ng hapon.

Sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal kay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) Head Rolly Doane Aquino ilan sa mga bahay ang totally damaged habang partially damaged naman ang iba.

Nasa 100 bahay sa Barangay Simsiman ang nasira, 87 sa Barangay Matapol, 6 sa Barangay San Jose habang 2 naman sa Barangay Liberty.

Nakapagbigay na aniya sila ng 150 food packs sa mga pamilya na biktima at babalikan pa ng mga ito ngayong araw ang mga hindi pa nabigyan.

Sa ngayon humihiling ng tulong ang nasabing mga pamilya lalo na sa kanilang pagkain. // edited MPT

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *