Halos 200 na  mga special students sa Naga , maapektuhan ng kawalan  ng budget ng SPED sa susunod na taon

NAGA CITY- Halos 200 na mga special students sa Naga City ang maapektuhan sa kawalan ng alokasyon ng budget para sa Special Education Program ng Department of Education sa susunod na taon.

Ito ang napag-alaman ng Brigada News FM Naga kay Naga Central School II Principal Juliet Curva.  Kabilang sa mga mag-aaral na ito ang mga nasa Transition Program , mga may Autism Spectrum Disorder,  Visual Impairment, Hearing Impairment at iba pang may kapansanan. Ang 177 enrollees ay mula sa lungsod at ilang bahagi ng Camarines Sur.

Pero ayon kay Curva sa ngayon hindi pa ito nila pinoproblema dahil naka suporta ang lokal na pamahalaan ng Naga sa DepEd Division Office, tulad sa mga kagamitan sa pagkatuto ng mga bata.

Sa susunod aniyang taon tiyak mababawasan ang mga nakukuha ng Naga City SPED center.  Mababatid na opisyal na pahayag ng Kagawaran sinabing P532M  ang proposal nila pero hindi ito ikinunsidera sa National Expenditure Program (NEP).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *