Halos 200 piraso ng Ipil, ginawang pamposte sa isang Dragon fruit plantation sa Puerto Princesa- kinumpiska ng DENR

Kinumpiska ng DENR at Puerto Princesa City Environmental Protection Task Force ang halos dalawang daan na piraso ng pinutol na Ipil na ginawang poste sa isang dragon fruit plantation sa Barangay Tagabinet sa Puerto Princesa.

Ayon kay PPUR Park Superintendent Elizabeth Maclang na miyembro ng Protected Area Management Board (PAMB), sinalakay ng mga park rangers, enforcement unit ng DENR at pulisya ang Sitio Liyang Brgy. Tagabinet matapos matanggap ang ulat noong nakaraang Linggo.

Nitong Miyerkoles ng umaga ay nakumpirma ng awtoridad ang ulat at tumambad sa kanila ang 192 na Ipil na ginawang pamposte ng dragon fruit na aabot sa 3, 000 board feet.

Iginiit ni Maclang na ang plantation sa liblib na bahagi ay timberland o pagmamay-ari ng gobyerno subalit nilagyan ito ng “No Tress Passing”.

Inabutan ng pulisya sa lugar ang mga tauhan subalit wala roon ang may-ari na kinilalang si Paul Ej Garnados na umano’y taga- Batangas City.

Gayunpaman, inihahanda na ng ang kaso laban sa may-ari ng plantation na paglabag sa Presidential Decree 705 o Forestry Code habang ang mga ebidensya ay dinala na sa checkpoint ng DENR.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *