Halos 200 sasakyan bumagsak sa roadside smoke emission test ng MMDA

Bumagsak sa ikinakasang roadside smoke emission test ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang nasa 200 mga pampublikong sasakyan, ayon sa datos ng ahenya para sa buwan ng Agosto.

Ayon sa MMDA, tuloy-tuloy ang kanilang operasyon para sa mas malinis at ligtas na hangin kung saan mayroon silang mga Anti-Smoke Belching Unit na sumusuri sa mga maiitim na usok na ibinubuga mga sasakyan.

Sa nakalipas na buwan may kabuuang 314 na sumailaim sa emission test gamit ang opacimeter na sumusukat sa dami at kapat ng usok na nagmumula sa mga tambutso at 121 lamang ang nakapasa rito.

Ang naturang, programa ng MMDA ay alinsunod sa Republic Act 8749 o Philippine Clean Air Act of 1999 kung saan ipinagbabawal na ibiyahe ang mga sasakyan na nagbubuga ng maitim na usok.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *