Halos 200,000 katao na-admit sa mga ospital sa Thailand dahil sa air pollution

Halos 200,000 katao sa Bangkok, Thailand ang na-admit sa ospital dahil sa air pollution.

Sa simula pa lamang ng taon, mahigit sa 1.3 milyong tao na ang nagkasakit bansa.

Dahil dito, hinikayat ng public health ministry ang mga bata at mga buntis na manatili sa loob ng kani-kanilang tahanan. Ang sinumang lalabas ay pinayuhang magsuot ng N95 anti-pollution mask.

Napag-alaman na 50 distrito sa Bangkok ang nakapagtala ng unsafe level ng pinakamapanganib na PM2.5 particles.

Ang Bangkok na isang sikat na tourist destination ay ay itinuturing ranked no. 3 sa pinakamaruming lungsod sa mundo, ayon sa IQAir firm.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *