Halos 300 aplikante, hired on the spot sa Labor Day Job Fair sa Legazpi City

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Department of Labor and Employment (DOLE) Bicol na humigit-kumulang 15% ng mahigit 2,000 na mga aplikanteng nag-pre-register ang hired on the spot sa ginanap na Labor Day Job Fair sa isang mall sa lunsod ng Legazpi kahapon.

Ayon kay DOLE Bicol Regional Director, Ma. Zenaida Angara-Campita, nagpahayag ng pasasalamat sa lahat ng naghahanap ng trabaho, mga kalahok na employer, at stakeholders nakibahagi sa tagumpay ng nasabing aktibidad.

Aniya, ang mga natanggap umano sa trabaho ay silang may magagandang credentials, kaya’t hindi sila nahirapan sa paghahanap.

Binigyang-diin pa nito na patuloy na imo-monitor ng ahensya ang mga lumahok na hanggang ngayon ay wala pang mga trabaho.

Samantala, ayon sa kanya, aabot sa 14,000 ang kabuuhang job vacancies sa buong rehiyon.

Sinabi rin ni Campita na ang aktibidad ay isang paraan ng pagtulong hindi lamang sa mga naghahanap ng trabaho kundi sa mga naghahanap ng mas magandang oportunidad.

Bukas umano ito sa lahat ng walang trabaho, skilled at unskilled worker, fresh college graduates, graduates ng training institutions, displaced workers at mga empleyadong naghahanap ng advancement.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *