Local News

Halos 4, 000 water connection magbebenepisyo kapag natapos na ang proyektong Pipe Laying Extension/Interlooping Line mula San Lorenzo Ruiz hanggang Basud

CAMARINES NORTE- Isinagawa kahapon ang Ground Breaking Ceremony sa Pipe Laying Extension/ Interlooping Line project ng Primewater at Camarines Norte Water District mula sa Barangay Daculang Bolo, San Lorenzo Ruiz  patungong Barangay Laniton, Basud.

Pinangunahan ni Primewater Branch Manager Engr. Mark Anthony Muroda at mga opisyal ng kumpanya gayundin ng CNWD ang seremonya na dinaluhan din ng mga lokal na opisyal sa pangunguna ni Mayor Adrian Davoco.

Ayon sa Primewater ang proyektong ito ay magbibigay ng dedicated water supply particular sa Basud.

Ito umano ang magiging solusyon sa nararanasan ngayong low pressure lalo na sa mga endpoints ng naturang bayan.

Ibinida ng kumpanya na mabebenepisyuhan ng proyekto ang nasa mahigit 3, 900 na water service connection para ma- improve ang pressure at inaasahan din umano ang karagdagang 150 bagong service connection.

Hindi lang umano ang mga taga Basud ang makikinabang sa proyekto kundi maging ang mga Barangay ng Daculang Bolo at Laniton sa San Lorenzo Ruiz.

Target umano ng kumpanya na makumpleto ang proyekto ngayong Disyembre.

Sa ngayon ay malaki ang problema sa serbisyong patubig sa mga endpoints barangay ng Basud tulad ng Mocong maging ang Barangay Matnog.

Kapag natapos umano ang proyekto ay magkakaroon na ng 24 oras na supply ng tubig sa mga apektadong lugar.

BNFM Daet

Recent Posts

Cebu City Mayor Michael Rama gipahamtangan og 6 ka buwan nga preventive suspension

Gipahamtangan og 6 ka buwan nga preventive suspension si Cebu City Mayor Michael Rama sa…

10 hours ago

19-anyos nga misuway og layat sa Marcelo Fernan Bridge, na rescue

Nasalbar ang 19-anyos nga lalaki nga padung untang molayat kaganihang buntag sa Marcelo Fernan Bridge…

11 hours ago

Lalaki nga bag-ong laya sa bilanggoan, gipusil-patay

Patay diha dayon ang usa ka lalaki  nga kapin lang sa semana nga nakagawas sa…

12 hours ago

Security plan sa Kaadlawan sang Roxas, plastado na

Plastado na ang igapatuman nga security plan kag traffic scheme nga ginhikutar sang Roxas City…

12 hours ago

Relokasyon, sigaw ng mga residente na apektado ng konstruksyon ng Sorsogon Coliseum

Humihiling ang mga residente ng Capitol Compound na naapektohan ng konstruksyon ng Sorsogon Coliseum na…

12 hours ago

Lolo sang napatay nga menor, indi mabaton ang natabo sa iya apo

Indi sa gihapon mabaton sang pamilya ni "Dodong" ilabi na ang iya nga lolo nga…

12 hours ago