Halos 400 displaced families sa Camalig, Albay dahil sa pag-aalburoto ng Bulkang Mayon, nakatanggap ng mga food packs

LEGAZPI CITY – Aabot sa halos 400 na mga pamilya mula sa Brgy. Sua, Camalig, Albay, partikular ang mga nawalan ng trabaho dahil sa pag-aalburoto ng Bulkang Mayon ang nabigyan ng mga food packs.

Ito ay binubuo ng kabuuang bilang na 385 na mga pamilya. Ang nasabing food packs ay mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ipinamahagi sa pangunguna ni Mayor Caloy Baldo na personal na bumisita upang tingnan ang kalagayan ng mga residente.

Maliban dito, nagsagawa rin ang LGU kasama ang MDRRMO ng konsultasyon tungkol sa mga kondisyon at iba pang mga pangangailangan ng mga residenteng nasa loob ng 7km extended danger zone ng bulkan.

Binigyang-diin din sa konsultasyon ang paghahanda ng mga residenteng nasa loob ng nasabing EDZ sakali mang itaas muli ang alert level nito.

Samantala, bukod pa sa pamamahagi ng food packs, nagkaroon din ng mga laro para sa mga residente lalo na sa mga bata upang hindi mainip o ma-stress sa gitna ng banta ng bulkan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *