Halos 4,000 na ang patay sa Russia-Ukaine war – UN report

Kinumpirma ng United Nations na umabot na sa 3,778 na mga sibilyan ang nasawi mula nang salakayin ng Russia ang Ukraine noong February 24.

Sa report ng UN, mula sa nasabing bilang, 251 dito ay mga bata.

Napag-alaman din na sumampa na sa 4,186 ang nasugatan dahil sa shelling at missile attack ng Russia.

Sa kabila nito, aminado ang UN High Commissioner for Human Rights na ang aktwal na bilang ng mga nasugatan at nasawi ay posibleng mas mataas pa dahil mahirap ang pagbibilang sa war zone.

Samantala, sa record naman mula sa teritoryo na kontrolado ng Russian-affiliated groups, nasa 124 na sibilyan ang nasawi habang 492 naman ang nasugatan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.