
OLONGAPO- Umaabot na sa halos apat na libong estudyante sa lungsod ng Olongapo ang nakapagpatala na sa Agap-Lista para sa school year 2021-2022.
Sa datos ng Department of Education Olongapo, sa pinakahuling update ay mayroon na itong 3,938.
Nasa 782 dito ay kindergarten, sa Grade 1 ay 1,846, Grade 7 ay 1,062 habang nasa 248 ay senior high school.
Ayon kay Maylene Minimo ng DepEd Olongapo, maaaring tumaas pa ang bilang hanggang sa umabot sa pasukan para sa mga hahabol.
Ang early registration ay nagsimula noong March 26 at magtatapos ngayong araw.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
