Halos 50 instructional building at iba pang school facilities nagtamo ng minor damage kasunod ng 4. 6 magnitude na lindol na yumanig sa Camarines Norte noong Martes ng gabi

CAMARINES NORTE- Umaabot sa 47 instructional building sa Camarines Norte ang nagtamo ng minor damage kasunod ng nangyaring 4. 6 magnitude na lindol na yumanig sa lalawigan Martes ng gabi.

Batay ito sa damage assessment report ng Department of Education as of 3:30 pm nitong Miyerkules, Pebrero 8, na ibinahagi sa Brigada News FM Daet ni Division DRRM Coordinator Geronimo Burce.

Ang pinakamaraming instructional building na nagtamo ng minor damage ay ang Mercedes High School sa bayan ng Mercedes na may 17.

Walo naman sa Goito Pimentel Elementary School sa Daet South, lima sa Pinagtigasan Elementary School sa Vinzons at tatlo sa Felix Asis Elementary School sa Labo West.

Ang Bautista Elementary School sa Labo East District, Primo R. Samonte Elementary School at Tacad Elementary School sa Basud, Bagong Silang 1 High School sa Labo West at Juanita Balon Elementary School sa Vinzons ay pawang nakapagtala ng tig- dadalawang instructional building na nagtamo rin ng minor damage.

May tig- iisa naman sa P. Barbin Elementary School sa Vinzons, Mangcamagong Elementary School sa Basud at Capacuan Elementary School sa Paracale.

Communal CR naman ang nagkaroon ng minor damage sa  Mercedes High School  na may dalawa at tig- isa sa Calaburnay Elementary School sa Paracale at Mangcamagong Elementary School sa Basud.

Nagtamo rin ng minor damage ang Jueves- Talento Elementary School sa Capalonga.

Wala namang naiulat na nasaktan o na- displaced na mag- aaral at estudyante.

Matatandaan na naramdaman ang Intensity IV ng lindol sa – Daet, Mercedes, Talisay, at Vinzons habang Intensity III naman sa Jose Panganiban, Labo, at Paracale.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *