Luzon

Halos 60 mga alagang aso’t pusa sa Tiwi, Albay, nakatanggap ng libreng pagkapon

LEGAZPI CITY – Aabot sa 60 mga alagang aso at pusa o kabuuang bilang na 58 mula sa 38 na mga pet owners ang nakapon nang libre sa isinagawang aktibidad sa bayan ng Tiwi, Albay sa pangunguna ng Municipal Agricultural Office sa ilalim lokal na pamahalaan katuwang ang Provincial Veterinary Office maging ang 9th Infantry Division ng Philippine Army at ng Tabaco Veterinary Clinic sa Old Ceramics Building ng nasabing bayan.

Batay sa impormasyon, castration ang isinagawa para sa mga lalaking hayop, samantalang spaying o pagtatali naman ang sa mga babaeng hayop.

Layunin umano ng aktibidad na ito na makontrol ang pagdami ng mga alagang hayop na kadalasang makikitang pagala-gala sa kalsada na karaniwan ding nagiging dahilan ng mga aksidente dahil sa kapabayaan ng ilang mga pet owners.

Panawagan ng Agricultural Office ng nasabing bayan sa mga pet owners na maging responsable upang makapagbigay sila ng naaayong treatment at kalinga alinsunod sa Animal Welfare Act of 1998 at Sec. 5 ng Anti-Rabies Act of 2007 at iba pa.

Samantala, isa rin sa mga programa ng LGU ng kaparehong bayan ay ang pagpapatupad ng impounding ng mga gumagalang aso at ipinatutubos sa halagang PHP 1,000 bawat araw; at kung hindi naman matubos ay iti-turnover sa Provincial Veterinary Impounding Center, subalit kung hindi naman ay gagamitan na ito ng ibang paraan tulad ng ‘mercy killing’ o euthanasia.

BNFM Legazpi

Recent Posts

Sandy Cays na bahagi ng Pag-asa island sa WPS, nasa ‘degraded state’ na

Nasa degraded state ang Cay 1, Cay 2 at Cay 3 na bahagi Pag-asa Island…

21 hours ago

RTWPB – inumpisahan na ang pagre-review sa mga sahod

Nagsimula na ang review ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa mga sahod ng…

21 hours ago

Championship games sa Palarong Bicol 2024 – nauwi sa rambulan

NAUWI sa rambulan ang Men's Division Championship-football games sa pagitan ng Masbate City Team at…

21 hours ago

Inaasahang rollback sa susunod na linggo – nadagdagan pa ng hanggang sa humigit-kumulang isang piso

Nadagdagan pa ang halaga ng inaasahang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod…

22 hours ago

PNP, muling dinepensahan ang pag-aresto sa ‘Mayo Uno 6’

Dinepensahan ng Philippine National Police (PNP) ang pag-aresto sa 'Mayo Uno 6' sa gitna ng…

22 hours ago

Defense chiefs ng PH, Japan, US, at Australia – kinundena ang harassment ng China sa WPS

Naghayag ng pangkabahala ang mga Defense chiefs ng bansang Pilipinas, Japan, Estados Unidos at Australia…

22 hours ago