Halos 8 sa 10 kabataang Pilipino, naniniwalaang gaganda ang kalidad ng kanilang buhay

Naniniwala ang mayorya ng mga kabataang Pilipino na gaganda ang kalidad ng kanilang buhay sa mga susunod na taon.

Sa survey na inilabas ng Youth Leadership for Democracy (YouthLed) at Social Weather Stations (SWS), lumabas na 76% ng mga Filipino youth ay kumpyansang magi-improve ang kanilang ‘personal quality of life’.

36% din ng mga kabataan ang nagsasabing gumanda ang kanilang buhay sa nakalipas na taon.

Lumabas din sa survey na 72% ng mga Filipino youth respondents ang nagsasabing ang pagtulong financially sa kanilang mga magulang at kapatid ang nangunguna nilang mithiin sa buhay.

Pumangalawa naman sa mga ‘aspirations’ o minimithi ng mga kabataan ay ang mamuhay nang independent sa 36%; 29% sa pagkakaroon ng college degree; 28% ang nagsabing nais nilang magkaroon ng sariling negosyo; habang 28% din ang nagsasabing ang pagkakaroon ng ‘meaningful work’ ang kanilang mithiin.

Isinagawa ang survey sa 4,900 na mga kabataang Pilipino edad 15-30.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *