Halos 80 inabandonang dragon trap net narekober na naman ng Bantay Dagat sa karagatang sakop ng Mercedes

CAMARINES NORTE- Aabot sa 78 piraso ng illegal fishing paraphernalia na dragon trap net o ulod- ulod ang narekober na naman ng Bantay Dagat Task Force sa karagatang sakop ng Mercedes, Camarines Norte.

Ito ay isang araw lang ang pagitan makaraang marekober ang halos isangdaang piraso ng nabanggit na illegal fishing paraphernalia na inabandona di umano ng isang taga Basud, Camarines Norte at isang taga Camarines Sur malapit sa islang Barangay ng Quinapagian at Matoogtoog.

Sa pagkakatong ito narekober naman ang mga inabandonang dragon trap net sa bahagi ng Brgy. Lalawigan isa sa pinakadulong Barangay ng naturang bayan.

Ipinagbabawal ang pagamit ng dragon bobo sa ilalim ng Municipal Ordinance at Fisheries Code  dahil napakaliit ng butas ng fish net na pati ang mga maliliit na isda ay hindi nakakaligtas.

Mistulang mouse trap umano ito na hindi  talaga makakawala ang isda sa sandaling makapasok dito.

Hindi nabanggit sa report kung sino o taga saan ang posibleng nag- abandona ng mga net na nasa impounding area ng pamahalaang lokal para sa nagpapatuloy na imbestigasyon.

Ayon sa Lokal na Pamahalaan nagrereklamo na ang maliliit na mangingisda dahil sa wala na silang nahuhuli bunsod ng mga ganitong klase ng panghuhuli ng isda.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *