Halos 96% takers, dumalo sa Day 1 ng 2020/2021 bar exams

Pumapalo sa kabuoang 11,378 law graduates ang kumuha ng 2020/21 bar examination sa 31 testing sites sa 22 local government units a buong bansa.

Ayon kay Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen, chairman ng 2020/21 Bar examination, 11,790 law graduates ang nagbayad ng application fee para kumuha ng bar exam, habang tanging 11,405 ang nagdownload ng examination files.

Dagdag ni Leonen, ang 11,378 turnout kahapon ay 96.5 percent, na magandang bilang parin dahil sa pandemya.

Samantala, ang susunod na examination ay gagawin sa February 6.

Ang 2020/2021 bar examination ay nagmarka sa kasaysayan ng Philippine bar, dahil ginawa ang kauna-unahang digital examination, kauna-unahang ginawa ang exam sa ilang testing sites sa buong bansa, at unang ginawa na ang time tests ay dalawang araw lang sa halip na usual na apat na Linggo ng buong buwan, habang haba ng pagsusulit ay iniksian rin. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *