Nakatanggap ng halos dalawampung libong doses ng bakuna ang Zambales mula sa department of health.
Noong Huwebes,dumating sa probinsya ang 19,900 doses ng vaccines na gawa ng Johnson&Jonhson.
Ayon kay Provincial Health Officer Dr.Noel Bueno, hahatiin sa dalawamput tatlong bayan ng Zambales ang suplay ng bakuna para sa mga kabilang sa A2 category o mga senior citizen.
Matatandaan, tulad ng ibang probinsya, matagal ding inantay ng Zambales ang ganito karaming suplay para mabakunahan ang lahat ng mga nakatatanda sa lalawigan.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO