Halos isang milyong indibidwal, fully vaccinated vs COVID-19

Inihayag ni National Task Force against COVID-19 deputy chief implementer Vince Dizon na halos isang milyong indibidwal na sa bansa ang fully vaccinated na laban sa COVID-19.

Batay sa datos, as of May 24, nasa 986,929 indibidwal ang kabuoang bilang ng mga nakakatanggap ng kanilang ikalawang dose ng bakuna.

Ayon kay Dizon, kabilang sa mga fully vaccinated ay ang 560,375 health workers, 181,765 senior citizens, 244,393 persons with comorbidities, at 296 na mga essential workers.

Mababatid na ang Pilipinas ay nakapagturok na ng 4.3 million COVID-19 doses.

Dagdag nito, ang average vaccinations per day ay pumalo na sa 166,000, kung saan ang peak ay naitala sa 236,244 vaccinations. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *