Halos magdamag na pag uulan naranasan sa Naga City dala ng Bagyong Amang

NAGA CITY – Halos magdamag na umulan sa Naga City kagabi dala ng Bagyong Amang kaya naka monitor din ang City Disaster Risk Reduction Management Office sa mga lugar na bahain.

Partikular na binantayan ang mga low lying areas tulad ng mga barangay ng Triangulo, Sabang, Tabuco, Mabolo, bahagi ng Concecpcion Pequeña, Concepcion Grande at maging sa ilang bahagi din ng upper barangay.

Ang mga lugar na ito ay ang mga may naitatalang mga evacuees kung may ganitong sama ng panahon.

Kagabi, wala pa namang naitalang mga evacuees galing sa mga barangay na nabanggit, subalit pinagpahanda pa rin ito sakaling lumakas pa ang ulan.

Nabanggit sa Brigada News FM Naga ni Ernesto Elcamel and head ng CDRRMO na mahigpit nilang binabantayan ang mga lugar na ito at agad na ililikas lalo na ang mga bata at mga buntis.

Sa panig naman ng City Social Welfare and Development Office, sinabi ni Annabelle Vargas, may nakahanda naman silang mga food packs sa mga posibleng magiging evacuees.    

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *