Halos P400k na halaga ng marijuana, narekober sa Calayan, Cagayan; 2, arestado

Halos 400, 000 na fully grown marijuana ang nakumpiska ng mga otoridad sa dalawang kalalakihan na kasalukuyan umano ang pag-aani sa Brgy. Babuyan Claro, Calayan, Cagayan.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, kinilala ang mga suspek na sina Elizardo Rosales residente sa naturang lugar at Rodrigo Linsangan Jr. na mula naman sa Solano, Nueva Vizcaya.

Una rito, nakatanggap umano ng ulat ang PNP Calayan hinggil sa nasabing illegal na aktibidad ng mga suspek na agad naman nilang nirespondehan kung saan positibong na nakumpiska ang 15 pieces ng fully grown marijuana na tinatayang may bigat na higit 3 kls.

Ayon sa PNP Calayan, posibleng naimpluwensyahan lamang umano ni Linsangan si Rosales na magtanim ng Marijuana.

Nahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act. (BNFM CAUAYAN)
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *