HALOS TRES PESOS na OIL PRICE HIKE, kasado na simula bukas

Kasado na simula bukas ang panibagong round ng taas-presyo sa tatlong oil products.

Sa abiso, magtataas ng P2.80 ang kada litro ng gasolina.

May umento ring P2.25 sa kada litro ng diesel; habang P2.40 naman ang itataas ng kada litro ng kerosene.

Epektibo ang adjustment alas-sais ng umaga bukas sa Pilipinas Shell, SeaOil, FlyingV, PetroGazz, Petron, Phoenix, Jetti, at PTT Philippines; habang hatinggabi naamn sa Caltex; at alas-kuwatro ng hapon sa CleanFuel.

Ngayong hapon ay inaasahang magsisipag-anunsyo na rin ang iba pang oil companies.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *