INANUNSIYO ng Korean News Outlet “OSEN” kamakailan na ang My Name aktres na si Han So Hee umano ang magiging female lead sa Solo Debut MV “Seven” ng Korean Maknae ng BTS group na si Jeon Jungkook.
Ayon sa nilabas nitong balita, tinapos ng Korean Actress ang pag shooting sa music video nang mas maaga sa parehong buwan sa Los Angeles bago ito bumalik sa Korea noong June 22.
Samantala, ang parehong agencies “Big Hit Music Entertainment” at “9ato Entertainment” ng dalawang artist ay nagbigay ng maikling tugon ukol sa anunsiyo na ito, ayon sa kanila mahirap kumpirmahin kung si Han So Hee umano ang lalabas sa Solo Debut Music Video ng BTS Member na si Jungkook.
Sa ngayon, kompirmado na sa July 14 ang release ng First Solo Digital Single “Seven” ni Jungkook, habang si Han So Hee ay isa sa magbibida sa upcoming Korean Drama “The Prince Of Confession” ngayon taon.### JONADEL GALLEGO, Intern