Handog sa kabataaan kwentong may aral, kasiyahan at kalusugan Pulis project isinagawa ng Daraga MPS

LEGAZPI CITY – Sa Kabataan Kwentong May Aral, Kasiyahan, at Kalusugan PULIS Project Isinagawa ng Daraga Municipal Police Station ang inilunsad na Handog namin sa Kabataan Kwentong May Aral, Kasiyahan, at Kalusugan PULIS Project” sa Bañag Elementary School, Bañag, Daraga, Albay ito ay kaugnay sa programang OPLAN BES (Besita Eskwela I am Strong) ng PNP.

Pinangunahan ni PLTCOL RODELON A BETITA, COP ng Daraga mps ang nasabing aktibidad ay kasabay sa paglulunsad ng DepEd Albay Kindergarten Storyteller’s Club (KIS), na isinagawa ng mga guro sa nasabing paaralan sa pangunguna ng kanilang School Head na si Gng.Dumetilla L Sabaybay.

Dinaluhan ng mga kinder students kasama ang kanilang mga magulang.

Nagbahagi ng kwentong mapupulutan ng mabubuting aral ang mga volunteer storytellers mula sa hanay ng kapulisan at student teachers ng DCOMC, na sinundan ng pagpirma sa KIS Commitment Wall ng mga Volunteers at supporters ng nasabing programa.

Naghandog ng mga story books ang Daraga MPS at namahagi rin ng libreng pagkain at inumin na labis na iginagalak ng mga munting mag-aaral, magulang at guro ng Bañag Elementary School.

Ang programang ito ay isa sa mga developing best practice ng Daraga MPS na may adhikaing mas mapatatag ang ugnayan ng kapulisan at komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published.