Hanggang P5.00 na oil price hike sa susunod na linggo, posible – DOE

Asahan na umano ang panibagong round ng price hike sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Sa LagingHanda press briefing, sinabi ni Department of Energy – Oil Industry Management Bureau Assistant Dir. Rodela Romero na kung pagbabasehan ang kasalukuyang presyo sa world market, maaaring tumaas muli ang oil prices next week.

Sa apat na araw na trading, tinatantyang aabot ng limang piso ang posibleng umento sa kada litor ng Diesel at Kerosene.

Maaari rin umano ang higit sa pisong dagdag sa kada litro ng gasolina.

Sa kabila nito, ‘di pa raw tapos ang trading kaya maaari pa itong mabago.

Ang pagtaas sa presyo ng kada bariles sa pandaigdigang merkado ay bunsod pa rin umano ng pagtaas ng demand ng langis at kakulangan ng suplay dulot ng mga external threats kabilang na ang Russian-Ukraine conflict.

Matatandaang matapos ang limang linggong sunud-sunod na rollback, nitong Martes nang magpatupad ng higit sa dos pesos na umento sa oil prices.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *