Hanoi organizers, inilatag na ang timelines para sa SEA Games

Muling kinumpirma ng organizers sa 31st Southeast Asian Games ang hosting ng Vietnam sa biennial games sa May 12 hanggang 25, kasunod ng kanilang unang pulong sa chef de missions, na isinagawa virtually.

Ayon kay Philippine Olympic Committee (POC) president Rep. Abraham “Bambol” Tolentino, tuloy ang SEA Games sa Hanoi sa Mayo.

Dagdag ni Tolentino, dahil sa isinagawa ang entry by numbers noong January 12, itinakda naman ng Hanoi sa February 12 ang distribution date at March 12 naman ang deadline para sa submission ng accreditation forms.

Samantala, ang deadline para sa submission ng entries by names ay sa March 12, at matapos nito muling magpupulong ang chefs de mission na posibleng isagawa na ng face-to-face sa March 18.

Mababatid na nagsumite ang POC ng 627-athlete entry by numbers para sa Games kung saan magko-compete ang mga Filipino athletes sa 39 mula sa 40 sports sa Hanoi program.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *