Hard lockdown, ipinatupad sa 1 lugar sa sa Surallah, SoCot dahil sa delta variant

KORONADAL CITY — TATAGAL hanggang katapusan ng buwan ang implementasyon ng Enhanced Community Quarantine o ECQ o hard lockdown sa Villanueva Plains Subdivision sa Zone I, Barangay Libertad, Surallah, South Cotabato matapos naitala dito ang unang kaso ng delta variant ng Covid-19.

Sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal kay Surallah Mayor Antonio Bendita, kinumperma nito na isang lalaking biker na residente ng nabanggit na subdivision ang pinaka-unang nag-positibo sa delta variant sa kanilang bayan.

Sa ilalim ng hard lockdown, mariing ipinagbabawal ang labas-masok ng mga residente sa nabanggit na subdivision.

Kaugnay nito nagpapatuloy umano ang contact tracing sa mga nakasalamuha ng nabanggit na biker upang maisailalim sa quarantine at posibleng swab testing.

Apela na lamang ng alkalde sa publiko na ipanatili ang pag-sunod sa minimum health protocols kontra Covid-19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *