Nakatakdang ituro ng Harvard ang Tagalog Language Course sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng institusyon.

Sa isang pahayag, sinabi ni ng Unibersidad na kukuha ang Department of South Asian Studies ng tatlong preceptor para magturo ng Tagalog bilang bago nilang kurso simula sa 2023-24 academic year.
Kasalukuyang itinuturo ang Thai at Indonesian sa Harvard, pero hindi itinuturo sa pamantasan ang Tagalog kahit pang-apat ito sa pinakaginagamit na wika sa Amerika.
Ayon sa US Census Bureau report na pinublish nitong Disyembre 2022, Tagalog ang ikatlong pinakaginagamit na wika sa Amerika maliban sa Ingles noong 2019.//CA