Inanunsyo ng Harvard University na ang pagtanggap nila sa Filipino Language instructor na si Lady Aileen Orsal para magturo ng Wikang Filipino sa universidad.
Ayon kay Harvard University Asia Center (HUAC) Faculty Director James Robson, tinanggap si ORsla sa Harvard bilang preceptor ng Filipino Languages (Tagalog).
Ang mga kursong Elementarya at Intermediate Filipino (Tagalog) ay iaalok sa Setyembre sa unang pagkakataon sa halos apat na daang taong kasaysayan ng Harvard.
Isinaad rin ng HUAC na nauna ng itinuro ni Orsal ang Filipino sa sa Cavite State University (CVSU) sa Pilipinas kung saan natanggap din niya ang kanyang B.A. sa Mass Communications noong 2012, at MA sa Philippine Studies noong 2017.