Hazing at karahasan sa PMMA, ‘normal’ na base sa mensahe ng nasawing kadete na si Bondoc

Inamin umano ni 4th Class Cadet Jonash Bondoc bago ito nasawi na normal lang ang hazing at iba pang uri ng karahasan laban sa kanilang mga trainees ng Philippine Merchant Marine Academy.

Mababasa ito sa mensahe ni Jonash na ipinadala niya sa kaniyang kuya bago siya nasawi sa palikuran ng PMMA campus kung saan ay sinuntok umano siya ng dalawang beses sa dibdib ng isang senior cadet.

Sinubukan pa ni Jonash na pawiin ang pangamba ng kaniyang kuya Joshua sa pamamagitan ng pagsasabi na nagkokontrol naman ang kanilang senior cadets.

Anya, ginagawa lamang nila ito upang palakasin sila, lalo na kung meron silang kasalanan o kung “pa-lousy-lousy” sila.

Sa mensahe naman ni Jonash sa mga kaibigan niya na nakarating sa kaniyang pamilya at naipresenta sa House panel, ay sinabi nito na stressed na siya mentally at physically.

Ipinunto niya na kulang sa tulog ang mga kadete at lagi pa sila nakararanas ng panggugulpi.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *