Health advocate, umapelang i-reconsider ni BBM ang China Trip sa gitna ng COVID-19 surge

Inabisuhan ni public health advocate at former NTF adviser Dr. Tony Leachon si Pangulong Bongbong Marcos na i-rekonsidera ang nakaplano nitong China trip sa Enero.

Paliwanag ni Leachon, dapat na munang aralin ni Marcos at ng kanyang delagasyon ang pagpunta nito sa China lalo na’t nakararanas ngayon ng surge ng COVID-19 cases ang China.

Payo ng eksperto, maaaring ma-expose ang delegasyon ng administrasyon sa nakahahawang virus.

Dapat umanong maiwasan na maging isang ‘spreader’ ang Pangulo pagkauwi nito sa Pilipinas.

Sabi ni Leachon, dapat ay siguraduhin ng health authorities na ‘verified’ ang data ng infections sa China bago muna ito lumipad doon para sa kanyang state visit.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *