Health care worker, panibagong nagpositibo sa Covid-19 sa Legazpi City

LEGAZPI-Isang health care worker ang naidagdag sa bagong listahan ng mga frontliners na nagpositibo sa Covid-19 sa Legazpi City.

Ayon sa pinakahuling ulat ng City Health Office, isang 53 anyos na babaeng health care worker na mula sa barangay 8, Bagumbayan ang nagpositibo sa sakit sa isinagawang mandatory testing sa mga frontliners.

Lumalabas na asymptomatic ito at noong Mayo 20 lumabas ang resulta ng RT-PCR Test.

Kasalukuyan na itong naka quarantine.

Kung matatandaan noong petsa 19 o noong byernes, 7 health care workers din sa lungsod ang una ng nagpositibo sa nakakahawang sakit.

Paliwanag pa rin ng LGU, ito pa rin ay bahagi ng sinasagawang mandatory testing sa mga frontliners na siyang nakakahalubilo ng mga residente.

Leave a Reply

Your email address will not be published.