Health check para sa mga residenteng apektado ng smog sa ilang bayan sa Batangas, apela ng PHIVOLCS

Hinimok ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang mga local government units sa Batangas na magpatupad ng health check sa mga pamayanan na apektado ng smog mula sa Bulkang Taal.

Ito ay kasunod ng ulat na ilang mga residente na mga bayan ng Talisay, Laurel at Agoncillo ang nakakaranas na ng masamang epekto nito kung saan, nananakit ang mga mata at lalamunan.

Nauna nang sinabi ng PHIVOLCS na ang volcanic smog ay “acidic” na maaaring magdulot ng pagkairita ng mga mata, lalamunan, at ilong

Ayon sa ahensya, dapat masuri ang kalubhaan ng epekto ng sulfur dioxide na ibinuga ng bulkan sa kanilang mga nasasakupan at isaalang alang ang paglikas sa mga ligtas na lugar.

Sa ulat ng PHIVOLCS patuloy na nakikitaan ng volcanic smog ang Taal volcano dahil sa high level sulfur dioxide emissions.

Naitala ng PHIVOLCS ang pinakamataas na sulfur dioxide emissions noong Lunes na umabot sa average na 14,326 tons kada araw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *