NAGA CITY – Gumagawa na ng paraan ang lokal na pamahalaan ng Naga City para makuha ang Health Emergency Allowance ng mga personahe na naging katuwang nila sa COVID-19 response.
Hanggang ngayon kasi ay hindi pa natatanggap ang naturang allowance bilang kabayaran ng gobyerno sa pagtrabaho sa panahon ng pandemya.
Ang mga ito ay ang mga health workers, barangay opisyal, tanod, secretary at iba pang mga personahe sa barangay at maging sa lokal na pamahalaan.
Pinakamababang tatanggapin ng mga ito ay tig-tatlong libong piso bawat buwan mula July 2021 hanggang December 2022.
Kahapon, hinarap sila ni City Administrator Elmer Baldemoro at pinag-usapan ang problema at kung papano ito masosolusyonan.
Sa paliwanag sa Brigada News FM Naga, sinabi ni Baldemoro na nagkaroon ng problema sa submission ng mga requirements, kaya naantala ang pagpalabas ng pondo ng Department of Health para rito.