Health emergency allowance sa healthcare workers sa Albay PHO, binigyang-linaw

LEGAZPI CITY – Binigyang-linaw ng Albay Provincial Health Office (PHO) ang tungkol sa kaaapruba pa lamang ng health emergency allowance para sa mga healthcare workers ng nasabing tanggapan.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay PHO Head, Dra. Estrela Zenit, sinabi niya na lahat ng mga datos tungkol sa mga healthworkers ay kukunin upang malaman kung sino ang entitled sa nasabing allowance.

Aniya, ang PHO ang nakatoka sa pagmomonitor at pag-aassess sa mga datos na isinusumite sa kanila.

Sinabi rin niya, ang lahat ng mga dauly time records (DTR) ay isusumite sa Department of Health (DOH), maging ang ilan pang mga requirements.

Kinakailangan din umano na mayroong memorandum of agreement (MOA) sa pagitan ng DOH at ng PHO.

Pagdating naman sa pondo, magsusumite muna ang mga health facilities ng listahan ng mga entitled dahil ito ang magiging batayan ng kagawaran sa pagbibigay ng allowance.

Ayon sa kanya, hindi umano masasabing mayroong sobra sa pondo, subalit kung sakali mang mayroon, ito ay mapupunta sa DOH sapagkat na-account na nila kung ilan ang mabibigyan o ang mga nagqualify.

Ito ang kasagutan ni Zenit sa mungkahi ng isang kinatawan o board member sa lalawigan na kung mayroon umanong sobra sa pondo, ay mapapasama rin ang barangay health workers sa mabibigyan ng allowance.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *