Health Emergency Management Staff ng Camarines Norte Provincial Hospital naka alerto na rin bilang paghahanda sa bagyong Paeng

CAMARINES NORTE- Naka- alerto na rin ngayon ang Health Emergency Management Staff ng Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH) bilang paghahanda sa bagyong Paeng.

Simula kahapon ay naka- code white alert ang ospital at activated na ang kanilang response clusters upang tumugon sa anumang untoward incident na may kaugnayan sa bagyo.

Batay sa panuntunan ng Department of Health kapag white Code Alert ay wala munang papayagan na mag-leave at mag day-off na mga health personnel tulad ng mga doktor, nurses, medical technologists, medical attendants at iba pang nasa emergency facilities.

Batay sa ulat ng HEMS kaninang umaga, mayroon ngayong 310 na admitted patients sa CNPH at 30 Outpatients.

Activated na rin ang HEMS 24/7 Opcen reporting para sa monitoring ng mga pangyayaring may kinalaman sa bagyo.

Ang mga magdu- duty sa hapon ay  ay inabisuhang mag straight duty.

Naka- prepositioned na ang mga ambulance vehicle at crew para sa emergency response.

Ayon sa Pagasa, kung hindi magbabago ang bilis at direksyon ng bagyo pinakamalapit ito sa Camarines Norte alas 2 ng hapon bukas, araw ng Sabado sa layong 55 kilometro Hilaga, Hilagang Silangan ng Daet.

Batay naman sa datos ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office hanggang alas 6 ng umaga kanina, nasa 647 pamilya o 2, 545 na indibidwal ang inilikas bilang proactive measure sa mga bayan ng Basud, Daet, Mercedes, Talisay at Vinzons.

Passable pa ang maharlika Highway at mga main road sa lalawigan maliban sa ilang kalsada na hindi na madaanan ngayon lalo na ang maliliit na spillway sa San Vicente area, Pambuhan, Tigbinan at Malibago sa Labo.

Nag collapse naman ang riprap sa may bahagi ng San Isidro sa Jose Panganiban.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *