Health expert: Di lalagpas sa 5k ang maaring itaas sa COVID cases araw-araw dahil sa BQ.1

Inihayag ng isang infectious diseases expert na ang posibleng pagtaas sa kaso ng COVID-19 sa bansa dahil sa Omicron subvariant BQ.1 ay maaring hindi aabot ng 5,000 kada araw.

Ayon kay Dr. Edsel Salvana, karamihan sa naturang mga kaso ay inaasahang mild lang kung ang mga nahawa ay fully vaccinated at may booster shots na.

Una nang kinumpirma noong nakaraang linggo ng Department of Health (DOH) ang 14 na mga kaso ng BQ.1, na mas transmissible at highly immune evasive, kumpara sa ibang Omicron subvariants.

Pero sinabi ni Salvana, na isa sa mga miyembro ng DOH Technical Advisory Group, na wala pang ebidensya na magpapatunaya na ang BQ.1 ay mas severe na subvariant. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *