Health expert sa US nagbabala ng “pain and suffering” dahil sa COVID-19 surge

Nagbabala si US National Institute of Allergy and Infectious Diseases chief Dr. Anthony Fauci ng mas maraming “pain and suffering” sa gitna ng pagtaas ng COVID-19 cases.

Sa kabila nito, hindi nakikita ni Fauci ng dagdag na lockdowns sa America dahil naniniwala siyang marami na ang nabakunahan para maiwasan ang recurrence ng surge ng virus.

Aminado naman si Fauci na kahit marami na ang nabakunahan, hindi pa rin ito sapat para mapigilan ang outbreak sa ngayon.

Ang babala ni Fauci ay kasunod ng pahayag ng Centers for Diseas Control and Prevention na maging ang mga bakunadong tao ay dapat magsuot ng face mask sa indoor part ng bansa dahil sa banta ng pagtaas ng kaso dahil sa Delta variant.

Base sa report, karamihan ng mga bagong infections sa America ay mga hindi pa nababakunahan kontra COVID-19.

Sa datus, ng Johns Hopkins University, ang 7-day rolling average ng bagong kaso araw-araw ay tumaas mula 30,887 noong July 17 paakyat ng 77,827 noong July 30.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *