Health summit isasagawa sa Camarines Norte sa unang linggo ng Marso

CAMARINES NORTE- Isasagawa sa lalawigan ng Camarines Norte ang Health Summit sa unang linggo ng Marso na inaasahang dadaluhan ng mga Alkalde kasama ng kanilang Municipal Health Officer, Municipal Budget Officer, Municipal Planning Officer at Chairman ng Committee on Health sa  mga Sangguniang Bayan.

Nagpadala na ng sulat si Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco sa mga kinauukulan ukol dito.

Ayon sa sulat isa sa mga priority program ng Provincial Government ay ang delivery ng quality health care service sa mga constituent lalo na sa mga financially challenged.

Upang makamit ito ay kinakailangang epektibo at mahusay ang delivery ng health services alinusnod sa mandato ng Universal Health Care Act of 2019.

Kung maipapatupad na umano ng maayos ang Universal Health Care sa lalong madaling panahon ay siguradong magi- improve ang quality of life ng mga taga Camarines Norte.

Nakatakdang gawin ang Health Summit sa Marso 3.

Katuwang sa naturang aktibidad ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) kung saan magpapadala ito ng speaker para magbigay ng lecture sa dalawang mahalagang paksa ang Health Care Provider Networking at Health Financing.

Kung maaala ay una nang hiningi ng PHO ang commitment ng mga Alkalde para maipatupad na ang UHC at maging isa sa implementing site ang lalawigan ngayong taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *