Health workers sa Koronadal, pagod na kontra Covid-19

KORONADAL CITY — INAKO ni Koronadal City Health Officer Dr. Edito Vego na nakakaramdam na ng pagod ang mga health workers sa lungsod sa pagharap sa tumataas na kaso ng coronavirus disease o Covid-19.

Ngunit nilinaw ni Vego na kahit pagod, patuloy pa rin ang mga ito sa kanilang trabaho.

Sa ngayon, moral support umano ang kailangan ng mga health workers dahil marami sa mga ito ang dismayado na sa sitwasyon.

Kinumperma din ng opisyal na may mga nurses na nag-resign mula sa mga isolation facilities dahil sa hirap at pagod sa trabaho.

Dahil dito, hinihiling ni Vego sa publiko na tumulong sa mga health workers sa pamamagitan ng pagsunod sa mga health protocols upang hindi na madagdagan pa ang bilang ng mga nagpopositibo sa Covid-19 sa Koronadal.

Sa ngayon, nagpapatuloy umano ang kanilang contact tracing upang agad na maisailalim sa swab testing ang mga nagkaroon ng closed-contact sa mga Covid-19 positive at mga nakaranas ng sintomas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *