Healthguard QR code ng Quirino Province, gagamitin sa contact tracing

Gagamitin ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quirino ang inilunsad na Healthguard QR Code para sa isasagawang contact tracing sa mga close contact ng mga magpopositibo sa COVID-19.

Ayon sa pahayag ni Quirino Governor Dakila Dax Cua, layunin ng nasabing QR code system na masubaybayan ang mga close contact ng mga COVID-19 patients at makapbuo ng analytics data sa mga ahensiya para sa pagbibigay ng healthcare services.

Paliwanag pa ng gobernador, kung ang isang indibidwal na gumagamit ng healthguard ay nakitaan ng sintomas ng COVID-19,  ang healthguard system ay bubuo ng contact report kung saan ipapaalam ito sa mga naging close contact ng pasyente sa pamamagitan ng text message.

Nilinaw naman ni Governor Cua na hindi ito kabilang sa mga requirement ng mga papasok na APOR o Non-APOR sa kanilang probinsya.

Aniya, mananatili ang kanilang requirement na medical certificate at negative Antigen test or RT-PCR test.

Samantala nailatag na ang ilang healthguard QR Code scanners sa mga border checkpoint ng probinsya.

Habang mandato naman ang pagsasagawa ng QR code scanning sa Provincial Capitol, Quirino Capitol People’s Mart, Quirino Watersports Complex, Capitol gymnasium, LEX building, Provincial Social Welfare & Development Office, Diffun District Hospital, Aglipay District Hospital at Maddela District Hospital.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *