Heart Evangelista, walang birthday greeting kay Chiz Escudero

“Walang greeting?”

Ito ang pag-usisa ng mga netizens sa latest social media updates ni Heart Evangelista, matapos mapansin na hindi nito nabanggit ang kaarawan ng kanyang asawang si Sen. Chiz Escudero.

Si Escudero ay nagdiwang ng ika-53 kaarawan noong October 10.

Mababati na sa mga nakalipas na taon, simula ng ikasal ang dalawa noong 2015, laging inihahayag sa publiko ni Evangelista ang kanyang pagmamahal kay Escudero sa pamamagitan ng pagbati sa kanyang kaarawan.

Pero sa araw ng kaarawan ng senador, tila binalewala ito ng actress-socialite, at ang mga updates nito sa kanyang mga social media accounts ay mga luxury items.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *