Heavy equipment pinasabugan at sinunog ng NPA sa MASBATE

SORSOGON CITY – Pinasabugan saka sinunog ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang isang backhoe na ginagamit sa konstruksyon ng farm-to-market road sa Brgy Managanaga, Aroroy, Masbate.

Sa naantalang report ng pulisya, nangyari ang pagpasabog madaling araw noong Sabado, Mayo 8.

Nakahimpil umano ang backhoe sa gilid ng kalsada na sesementuhin nang ito ay pasabugan. Pinaniniwalaan pa na nagpaputok ang mga rebelde ng kanilang baril dahil sa mga basyo ng bala na narekober sa kalsada.

Humigit-kumulang P2.5M ang pinsala sa insidente. Isa sa tinitingnan ng awtoridad ang posibilidad na retaliatory action ito ng mga NPA sa may-ari na tumangging magbigay sa extortion demand ng mga rebelde.

Nabatid na ang backhoe ay pag-aari ni Sangguniang Bayan Member Arturo Virtucio II.

PHOTOS exclusive for Brigada News FM-Sorsogon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *