Arestado ang isang most wanted person sa ikinasang operasyon ng mga otoridad sa Calaca City, Batangas.
Kinilala ang akusado na si Zeus John Jolongbayan y Vidal, 26 anyos, helper, residente ng Barangay Cahil, Calaca City, Batangas na nahaharap sa kasong Attempted Murder na walang kaukulang piyansa.
Naaresto ang akusado sa ikinasang follow-up operation ng Calaca CPS dakong 11:42 ng umaga noong Abril 15, 2023 sa bisa ng warrant of arrest.
Batay sa imbestigasyon, bandang 1:50 ng hapon noong Nobyembre 9, 2016 ng pinagbabaril ng akusado ang biktima na si Juan Digno y Vidal.
Pagkatapos matumba ng biktima ay tinaga pa ito ng akusado sa iba’t ibang parte ng katawan gamit ang isang bolo.
Personal grudge ang lumalabas na motibo sa tangkang pagpatay ng akusado sa biktima.
Napagalitan umano ng biktima ang akusado at napagbintangan na may kinalaman sa nawalang pera noong Nobyembre 8, 2016.
Kasalukuyang nakakulong sa Calaca MPS ang akusado.
Nasa degraded state ang Cay 1, Cay 2 at Cay 3 na bahagi Pag-asa Island…
Nagsimula na ang review ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa mga sahod ng…
NAUWI sa rambulan ang Men's Division Championship-football games sa pagitan ng Masbate City Team at…
Nadagdagan pa ang halaga ng inaasahang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod…
Dinepensahan ng Philippine National Police (PNP) ang pag-aresto sa 'Mayo Uno 6' sa gitna ng…
Naghayag ng pangkabahala ang mga Defense chiefs ng bansang Pilipinas, Japan, Estados Unidos at Australia…