Helper, patay matapos tumalon sa sinasakyang truck sa Tabaco City

Patay ang isang helper matapos tumalon sa sinasakyang service truck sa National Road Sitio Namutnga, Brgy. Buhian, Tabaco City, Albay habang nagtamo naman ng minor injury ang driver ng nasabing sasakyan.

Kinilala ang nasawi na si Renan Solano Lucentales, 26 anyos at residente ng Guinobatan, Albay habang ang driver ay si Alfie Montalbo Perdigones, 29 anyos at residente ng Brgy. Sta. Cruz, Polangui, Albay.

Sa inisyal na ulat, binabaybay ng mga biktima ang kahabaan ng kalsada sa lugar kung saan sa hindi inaasahan ay nawalan ng preno ang kanilang sinasakyan.

Dahil sa nangyari ay isa sa mga ito ay biglang tumalon mula sa truck, kung saan nahulog sa kalsada at nagtamo ng pinsala sa ulo.

Isinugod ang biktima sa Ziga Hospital ngunit idineklara itong dead on arrival (DOA) ng attending physician.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *