Hepe ng PNP Brookes Point, hiniling na i-recall matapos ang marahas na dispersal sa raliyesta

Pinababawi ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Brookes Point ang kasalukuyang Chief of Police ng munisipyo na si PMAJ. RAFFY ESPERIDA.

Sa boto na 6 ng mga lokal na mambabatas, napagkasunduan na magpasa ng resolusyon na humihuling kay PNP Direcor PCOL. Jeffrey S. Fernandez na i-recall ang Chief of Police

Sa inaprobahang resolusyon ngayong Martes, iginiit ng mga mambabatas na naging “bias” umano ang opisyal nang magkaroon ng dispersal ng mga raliyesta nitong nakaraang Linggo sa Barangay Maasin.

Hinayaan lamang umano ng Police Brookes Point na mangyari ang pangha-harass sa ilang raliyesta ng mga gwardya ng Ipilan Nickel Corporation na nakuhanan ng video.

Sa kabila umano na mayroon ng Cease and Desist Order ay hinihintay pa umano ni PMaj. Espirida ang court order, bagay na hindi umano kumikilala sa awtonomiya ng Lokal na Pamahalaan.

Naipakita ang pagkiling ng PNP Chief of Police Esperida at mga nasasakupan nang sabihin sa isang babaeng sinipa ng INC security guard na pumunta sa barangay bago magsampa ng kaso samantalang ang affidavit ng mga nagreklamong gwardya ng minahan ay agad na tinanggap ng pulisya kahit hindi umano ito hiningian ng medical certificate ‘di tulad ng mga sinaktang raliyesta.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *