HERTF nakipagpulong sa mga senior citizen representatives sa bawat barangay para sa mas mabilis na vaccination rollout; 44% ng populasyon nabakunahan na

NAGA CITY – Hindi pa na ngangalahati sa kabuuang porsiyento ng populasyon ng mga senior citizens ang nababakunahan sa Naga City, sa kabila ng pagkakabilang sa A2 Priority.

Ang problema kasi, namimili ang mga matatanda ng vaccines na ituturok sa kanila.

Sa ngayon halos nasa 9 na libo pa lamang ang nababakunahan sa mga ito, mula sa kabuuang bilang na mahigit 18 libo.

Kahapon pinulong na ng Health Emergency Response Task Force  (HERTF) ang mga senior citizens representative sa bawat barangay para makatulong ng City Government sa paghikayat sa mga kapwa nila mga matatanda , na mag pabakuna na at huwag ng mamili ng vaccines.

Sa panayam naman ng Brigada News Fm Naga kay Liga Pres.,  Ex-Officio City Councilor  Antonio Dodit Beltran na kabilang sa miyembro ng HERTF, sinabi nito na ang kategoriyang ito ng mga senior citizens ang nakakaabala sa vaccination program ng city, kaya hindi pa nababakunahan partikular na ang nasa A4 category o workers, private at government employees.

Ngayong umaga, muling magkakaroon ng pagbabakuna sa mga senior citizens, at umaasa sila na sana marami ng magpabakunang matatanda.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *