Hidilyn Diaz, puno ng pasasalamat para sa kanyang Asian Weightlifting Championships stint

Puno ng pasasalamat ang Tokyo-bound weightlifter na si Hidilyn Diaz para sa mga tao na sumuporta sa kanya at sa Philippine delegation sa Asian Weightlifting Championships sa Tashkent, Uzbekistan na natapos noong Linggo.

Inihayag ito ni Hidilyn sa lahat ng kanyang social media accounts.

Inamin naman ng Olympian na inisyal niyang naisip na imposible nang makasali sa Asian championships dahil sa COVID-19 pandemic.

Anya, inakala niya na imposible na ang pagdaraos ng kompetisyon o umalis mula sa Malaysia, para makuha ang kanyang ika-anim na qualifying tournament na kinailangan niya para makapagpartisipa sa Olympics.

Sinabi ni Hidilyn na malaki ang kanyang pasasalamat dahil nakapagpartisipa pa rin ang Team Philippines sa kompetisyon sa kabila ng mga agam-agam, takot, at restriksyon na idinulot ng pandemya.

Matatandaan na nakatungtong si Hidilyn sa ikaapat na pwesto sa women’s 55-kg category ng torneyo.

Nakapag-uwi naman ang Philippine team ng tinatayang 11 medalya mula sa regional competition kabilang na ang dalawang gold at isang silver na nasungkit ni Vanessa Sarno sa 71-kg category.

Nasungkit naman ng pinsan ni Hidlyn na si Mary Flor Diaz na tatlong silvers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *