Hidilyn, magsasanay sa ibang bansa para paghandaan ang Olympic campaign sa Paris

Sasalang sa mga international training camps sa U.S at Japan si Olympic gold medalist Hidilin Diaz-Naranjo para paghandaan ang pang limang sunod niyang Olympic campaign sa Paris, France.

Ang preparasyon na gagawin ng national lady weightlifter ay hindi lamang para sa Paris olympics kundi maging sa 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia sa Mayo at sa 19th Asian Games sa Hangzhou, China sa Setyembre.

Sinabi ni Hidilyn na ngayong taon ay mas lalo siyang naging disiplano at determinado na mag-back-to-back gold medal sa Olympics para sa Pilipinas.

Lalaban si Diaz-Naranjo sa 59 kilogram division sa 2024 Paris Olympics.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *