Hidilyn, sasalang sa mas mabigat na weight division sa Paris Olympics

Sasalang sa mas mabigat na weight division si world champion Hidilyn Diaz-Naranjo, hangad ang ikalawang gold medal sa  Olympic Games sa 2024.

Sa women’s 55-kilogram binuhat ni Diaz ang kauna-unahang Olympic gold ng Pilipinas sa Tokyo, Japan noong 2021, ngunit ito ay inalis sa 2024 Paris Games.

Kakauwi lang ng bansa ni Diaz  kasama si husband-trainer Julius Naranjo mula sa kampanya sa nakaraang world championships sa Bogota, Colombia.

Humakot si Diaz ng tat­long gold medals sa Bogota event.

Itutuloy ni Diaz ang pag-eensayo sa isang gym sa San Juan City bago tumulak sa Jala Jala, Rizal para sa kanyang training camp.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *