Higanteng earthworm, natagpuan ng isang 9-anyos na bata sa New Zealand

NAG VIRAL sa social media kamakailan ang isang hindi pangkaraniwang balita hinggil sa pagkaka tagpo ng isang nuwebe  anyos na bata sa Christchurch, New Zealand sa isang higanteng earthworm.

Batay sa ulat, natagpuan ni Barnaby Domigan sa kanilang garden ang nasabing bulate habang siya ay naglalaro.

Agad niya itong ipinaalam sakanyang mga magulang at dahil sa labis na pagkamangha ay kinunan siya ng mga ito ng larawan habang hawak ang bulate bilang remembrance.

Sa pagnanais na maibahagi ang kakaibang karanasan, ipinost ito ng kanyang ina sa social media kung kaya’t umani ito ng libo-libong reactions at shares sa publiko.

Paliwanag ng mga eksperto, ang natagpuang bulate ni Barnaby ay isang North Auckland worm na may scientific name na “Anisochaeta gigantean” at karaniwang natatagpuan sa mga kagubatan.###JDR, BNFM BICOL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *